jeep

ang pagtitig sa kawalan. paborito ko tong gawin… halos araw-araw ginagawa, walang pinipiling oras. walang pinipiling lugar pero madalas itong nangyayari sa jeep.

ang jeep. araw-araw sumasakay ako sa jeep tatlong beses pa bawat araw. di uso sa akin ang MRT masyadong madaming sumasakay– ayoko kasi sa madaming tao. ayoko din sa mga bus, masyadong kakasero ang mga driver, kakasakay mo palang aandar na, walang pakialam kung masubsob ka. walang modo. bwahahahaha

marami na akong karanasan sa mga jeep, minsan nakakalimutan kong magbayad pero di ko talaga sinasadya yun. nakalimutan na din ng driver na di ako nagbayad haha. cheater. pero, kung minalas ka at nakataong sasakay ka sa FTI-C5 at sumakay ka sa isang green na jeep mag-ingat ka, kasi wala kang takas sa driver ng jeep na un. kapag di ka nagbayad, patay ka kasi babanat siya ng “o, yung mga di pa nagbabayad dyan…magbayad na” at pag di ka pa rin natinag babanat uli sya ng “yung di pa nagbayad, sa susunod wag nang sumakay sa jeep na to!!” with matching taas ng boses pa. o diba ang taray!

cguro, nagatatanong ka kung bakit ko alam, kasi ako yung pinariringan nun driver. haha di ko naman talaga sinasadya e. pramis!!

wag ka ding magtitiwala sa matatandang driver na may matatandang jeep… ai naku! delikado yun! bukod sa mabagal, lagi pa silang nasisiraan, napipirwisyo tuloy ang mga pasahero. haay.. pero may tatalo pa sa kabagalan ni lolo driver, ang driver na mahilig tumigil.. bawat eskinita, tumitigil– kaakibat ang kondukto/barker na isisinisigaw ang destinasyon ng jeep.

haay mga jeep. nakakatuwa talaga.

pero, di ko talaga alam kung bakit gusto kong tumulala sa jeep… iba kasi ang ambience ng hangin na sumusuklay sa magulo kong buhok, ang alikabok na nalalanghap ko lalong-lalo na usok ng mga tambutso.

Mag-iwan ng Tugon