spaghetti at kanin
ayan… nandito ako sa skul at sinasamantala ang libreng internet…
spaghetti at kanin.
kahapon, dahil walang magluluto ng ulam sa bahay namin, at tinatamad din ako, tumakbo ako sa malapit na karinderya para kumain. habang hinihintay ang gulay na in-order ko (takot kasi ako sa kumakalat na hog cholera kaya di nagbababoy) naki-usyoso ako sa katabi ko. napatingin ako sa kinakain nya na para bang na-shock… spaghetti at kanin ang kinakain nya.
napatingin ako, napatulala at tinitigan ko sya ng hindi nya nahahalata. pagdating ng order ko, tinitingnan ko parin sya. sarap na sarap sya sa kanyang kinakain at para bang walang pakialam sa pakialamera na tumititig sa kanya.
nang pagka-alis nya naisip ko na, “anong sustansya kaya ang makukuha nya sa spahetti at kanin?” puro carbohydrates ang nakukuha nya, pasta plus kanin… puro starch at magiging sugar ito na mapupunta sa dugo nya at magkaka-diabetes sya, sabihin na atin na me lycopene ang kinakain nya gawa ng tomato sauce ngunit, di parin sapat un.
kung sa bagay, marami syang energy na makukuha dun.
at napagtanto ko din, salamat sa konsesiya ko na sumisigaw ngĀ “BAKIT KA BA NANGIGI-ALAM SA PAGKAIN NG IBA?! KUMAIN KA NA LANG!” pagkatapos kong marinig ang sigaw na bumabatingaw sa tenga ko, kumain na ako at di na nangialam pa sa pagkain ng iba.
yan siguro ang makukuha mo pag nag-nursing ka tulad ko.
Agosto 22, 2007 Sa 6:03 umaga
hahaha…correct..what nutrients can you get with spag and rice?…well any weiz thats life…maybe that person wants to try a new combo meal..ahahaha…wag nalang natin xang pakialaman..